Pinalawak na Salomague Port sa Ilocos Sur, nakatakdang pangasiwaan sa July 8

By Angellic Jordan July 07, 2021 - 05:42 PM

Nakatakdang pangasiwaan ang pinalawak na Salomague Port sa Ilocos Sur sa araw ng Huwebes, July 8.

Pangungunahan nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade at Philippine Ports Authority General Manager (PPA) Jay Daniel Santiago ang inagurasyon ng inayos na pantalan.

Kasama sa development projects ang konstruksyon ng reinforced concrete (RC) Platform Back-Up Area at RC Pier Extension.

Inayos ang Salomague Port bilang isa sa mga cruise port sa bansa.

Sa pagtatapos ng rehabilitasyon, inaasahang makatutulong ang pantalan upang magbukas ng job opportunities, lalo na sa sektor ng turismo.

Itinayo ang pantalan mapalit sa tourist areas at mga beach sa Ilocos Norte at Ilocos Sur, at malapit din sa mga pantalan ng Hong Kong at South China kung kaya inaasahang madadagdagan ang cruise calls sa bansa.

Bago ang pandemya, marami nang regional cruise operators ang nagsama sa Ilocos region bilang kanilang regular rotations.

Sa araw ng inagurasyon, magsasagawa din ng inspeksyon ang DOTr sa iba pang transport infrastructure projects sa bisinidad, kabilang ang Vigan Airport.

TAGS: ArthurTugade, ArtTugade, dotr, DOTrPH, InquirerNews, ppa, RadyoInquirerNews, SalomaguePort, ArthurTugade, ArtTugade, dotr, DOTrPH, InquirerNews, ppa, RadyoInquirerNews, SalomaguePort

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.