Kaligtasan ng mga batang Taal evacuees pinatitiyak ni Sen. Win Gatchalian

By Jan Escosio July 07, 2021 - 08:39 AM

Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na siguruhin ang kapakanan at kaligtasan ng mga bata na lumikas sa mga evacuation centers kasabay ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Aniya komplikado ang sitwasyon dahil sa nagkasabay pa ang banta ng COVID 19 at ang maaring pagputok ng bulkan.

Sinabi ni Gatchalian na dapat tiyakin ng DOH, DSWD at mga lokal na pamahalaan na ligtas ang mga lumikas na bata sa kanilang kinalalagyan bukod pa sa dapat nakakatiyak na naibibigay ang kanilang mga pangunahing pangangailangan, partikular na ang masustansiyang pagkain, malinis na tubig, gamot at sanitary and hygiene kits.

Paalala ng senador ang  mga ito ay nakasaad sa RA 10821 o ang Children;s Emergency Relief and Protection Act at kinakailangan ay makapagkasa ang DSWD ng Comprehensive Emergency Program for Children (CEPC).

Nang sumabog ang Bulkang Taal, ayon kay Gatchalian, halos 124,000 bata ang naapektuhan base sa datos ng grupong Save the Chilldren.

Idinagdag pa ni Gatchalian na sa tuwing may kalamidad nalalantad ang mga bata at kabataan, lalo na ang mga babae, sa pang-aabuso at diin niya ito ang dapat na hindi mangyari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.