Driver’s license ngayon, hindi na papel, card na! – Tugade

By Angellic Jordan July 06, 2021 - 04:30 PM

Photo credit: Sec. Art Tugade/Facebook

Inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hindi na papel kundi card na ang makukuhang driver’s license.

Kung dati ay papel na resibo lang ang matatanggap kapag nag-apply ng lisensya, ngayon card na at mayroon pang 5-year validity.

Noong 2016, mahigit tatlong milyon aniya ang nadatnang backlog sa driver’s license.

Ngunit dahil sa pagsusumikap ng Land Transportation Office (LTO), sa pamumuno ni Asec. Edgar Galvante, nasolusyunan na ito kaya wala nang backlog sa driver’s licenses.

Maliban dito, dinagdagan pa ang security features nito upang hindi tuluyang magaya ng mga mananamantala.

Mula sa 11 noong 2015, umabot na sa 32 security features ang driver’s license cards.

Kabilang dito ang hologram, laser engraving at guilloche.

Gawa na rin ang card sa polycarbonate material kung kaya mas matibay na ito kumpara sa dating ginagamit na PVC o polyvinyl chloride.

Naglalaman na rin ng impormasyon ang barcode sa lisensya kasama ang fingerprints at larawan ng drayber.

Sinabi pa ni Galvante na hindi na madaling kumupas ang mga lisensya at maaring tumagala ng mahigit 10 taon.

Samantala, sinabi ni Tugade na nakatakdang simulan ang pamamahagi ng driver’s licenses na may 10-year validity sa ilalim ng isang enhanced demerit system ng LTO.

Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng oportunidad na magkaroon ng 10-year valid license ang mga motoristang may malinis na record.

TAGS: ArthurTugade, ArtTugade, dotr, Driver's license, Inquirer News, lto, Radyo Inquirer news, ArthurTugade, ArtTugade, dotr, Driver's license, Inquirer News, lto, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.