Malakanyang nagtataka sa survey result sa mga Filipino na ayaw sa COVID-19 vaccines

By Chona Yu July 06, 2021 - 10:55 AM

(Courtesy: Secretary Harry Roque)

Nagtataka ang Palasyo ng Malakanyangna hindi pa rin nababago ang resulta ng mga survey firm kaugnay sa bilang ng mga Filipino na magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, makikita naman sa mga vaccination sites na nag-aagawan ang mga nagpapabakuna kahit na kapos ang suplay nito.

“Hindi ko po maintindihan kung bakit sa mga survey na kinukuha ng mga survey firms eh para bang hindi nababawasan yung hanay ng mga Pilipino na natatakot pa magpabakuna. Ikot po kasi ng ikot, naglalaunch ng mga ceremonial vaccination gaya nito, this is one of the first in an economic zone na talagang sinisimulan namin, ang nakikita ko naman eh kulang ang suplay at hindi nagkukulang ang gustong magpabakuna,” pahayag ni Roque.

Nasa Clark Freeport Zone sa Pampanga si Roque para sa ceremonial vaccination ng A4 workers.

“I think this validates what an earlier SWS survey said na bagamat mataas noong una ang vaccinate hesitancy kapag nakita nila ang kapitbahay nila na nagpapabakuna eh nawawala naman po ang hesitancy na iyan which is good news kasi alam naman po natin na sa pandemyang ito talaga ang solusyon ay nakasalalay lang po sa bakuna and that is why I’m happy na unang una ang team ng ating NTF si Secretary Galvez, si Secretary Duque, si Secretary Vince Dizon have made it possible for us to have the vaccines. It may not be the vaccines that are preferred by the people pero nonetheless po kung hindi natin ginamit ang mga vaccines na ginagawa ng ating mga karatig bansa wala tayo ngayon sa 12 million vaccinated individuals,” pahayag ni Roque.

 

 

TAGS: Clark Freeport, COVID-19, Harry Roque, Pampanga, vaccine, Clark Freeport, COVID-19, Harry Roque, Pampanga, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.