Globe Telecom pinalawig pa ang libreng tawag, charging at WiFi sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal
Pinalawig pa ng Globe Telecom ang libreng tawag, charging at WiFi sa mga residenteng naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon sa Globe, matatagpuan ang libreng tawag, charging at WiFi sa:
Lokasyon ng Operasyon | Mun / Lungsod / Lalawigan |
Mula
|
Hanggang | Oras |
Malabanan Elementary School | Brgy. Malabanan, Balete, Batangas | July 2, 2021 | July 7, 2021 | 9:00 AM – 11:00 AM 1:30 PM- 4:00 PM |
San Gregorio Integrated School | Brgy. San Gregorio, Laurel Batangas | July 3, 2021 | July 7, 2021 | 10:00 AM – 12:00 PM 1:00 PM- 4:00 PM |
Agoncillo Poblacion Covered Court | Brgy. Poblacion, Agoncillo, Batangas | July 5, 2021 | July 7, 2021 | (July 5)
12:00 PM – 4:30 PM (July 6-7) |
Nabatid na bukod sa libreng tawag, charging at WiFi, nagbigay din ang Globe ng 3,600 meal packs para sa 1,200 na pamilya sa pakikipagtulungan na rin ng grupong Rise Against Hunger (RAH).
Tiniyak ng telco na mas marami pang mga libreng serbisyo ng komunikasyon ang gagana sa sandaling ideklarang ligtas para sa mga empleyado at mga partners na pumunta sa itinalagang mga lugar.
Nakaantabay rin ang teknikal at support personnel ng Globe gayundin ang mga generators para matiyak na mananatili ang mga serbisyo sa komunikasyon kahit mawalan ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.