Pag-aalburuto ng Bulkang Taal hindi dahilan para itaas ang presyo ng tilapia – BFAR
Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi maaring gawin dahilan ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal para itaas ang presyo ng tilapia.
Sinabi ni BFAR Calabarzon Dir. Sammy Malvas na walang dahilan para lumubo ang presyo ng tilapia matapos maiulat na tumaas nag halaga ng naturang isda at ang sitwasyon sa Taal Lake ang idinadahilan.
“We are calling para doon sa mga nananamantala ng sitwasyon para kumita at itaas yung presyo ng isda. Ngayon wala pong dapat basehan ng pagtaas ng presyo ng isda o tilapia na nanggagaling sa Taal Lake,” sabi pa ni Malvas.
Paliwang pa ng opisyal, nanatiling normal ang pangunguha ng mga tilapia sa Taal Lake at wala rin aniyang isyu sa suplay.
Pagdidiin pa nito, hindi dapat hihigit sa P120 ang kada kilo ng tilapia sa mga pamilihan, samantalang hanggang P160 lang kada kilo ang dapat na bentahan naman ng bangus.
Dahil wala rin pagbabago aniya sa kalidad ng tubig sa Taal Lake, ligtas pa rin kainin ang mga isda at kailangan lang na tiyakin na sariwa, nilinis at niluto ang mga ito ng maigi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.