Education Sec. Briones sinabing nainsulto, humingi ng public apology sa World Bank
Dahil sa panghihiya sa Pilipinas at mag-aaral ng bansa, hiningi ni Education Secretary Leonor Briones sa World Bank na mag-public apology.
Sinabi pa ni Briones na pang-iinsulto ang ginawa ng World Bank sabay giit na lumang datos ang pinagbasehan ng inilabas na pahayag ukol sa kakayahan ng mga batang Filipino sa Math, Science, at Reading.
Punto nito, ang ginamit na basehan ng WB ay ang Program for International Student Assessment (PISA) noon pang 2018.
Pagdidiin niya sa paglipas ng mga taon simula noong 2018 ay marami na ang nagbago at kabilang na ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Paghihimutok pa ni Briones, hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang WB bago ito naglabas ng nakaka-insultong at panghihiyang pahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.