Sen. Pacman sinabihan ng DOJ na magsampa ng mga kaso
Kung siya ay may mga ebidensiya, sampahan niya ng mga kaso ang mga taong-gobyerno na sinasabi niyang sangkot sa mga katiwalian.
Ito ang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra kaugnay sa pahayag ni Sen. Manny Pacquiao na lumala pa ang korapsyon sa gobyerno sa administasyon ni Pangulong Duterte.
Dagdag pa ni Guevarra na tiwala siya na alam ni Pacquiao na maari niyang isampa ang mga kaso sa Office of the Ombudsman o kahit sa DOJ.
Maari din hilingin ni Pacquiao, ayon pa sa kalihim, sa Task Force Against Corruption (TFAC) o kahit sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na magsagawa ng imbestigasyon.
Paglilinaw niya, sa TFAC, maari nilang isantabi ang motibo ng magrereklamo ngunit kailangan na kung kakailanganin pa ng mga karagdagang ebidensiya ay kailangan na may maisumite para magamit sa pormal na pagsasampa ng mga kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.