Teen pregnancy lumobo dahil kapos sa sex education – Gatchalian

By Jan Escosio July 05, 2021 - 11:12 AM

METRO MANILA, Philippines — Ipinagdiinan ni Sen. Sherwin Gatchalian na dapat nang kumilos para lubós na makapagbigáy ng comprehensive sexuality education (CSE) alinsunod sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

Kasunód itó nang pagpapalabás ng Malacañag ng executive order para maging prayoridád ang pag-iwas sa pagdami pa ng mga kaso ng batang pagbubuntís.

Ipinaalala ni Gatchalian na ád sa batas ang pagkakaroón ng sex education na naayon sa edád.

Idiniín niya na napakahalagá nitá para matulungan ang mga kabataan na magkaroón ng sapát na kaalamán ukol sa kaniláng pangangatawán at maiwasan ang pagiging batang iná.

Dagdág pa ng senador, itá ay para proteksyón na rin laban sa pang-aabusong sekswál, karahasán, at para sa pagiging responsableng kabataan.

Ang DepEd ay inilabas ang Order No. 31 noong 2018 para sa pagkasa ng CSE.

Binanggít niyá na iniulat ng Commission on Population and Development (Popcom) na noóng 2019, ang mga batang Filipino na nagka-anák ay lumobo sa 62,510 mula sa 62,341 at 2,411 at ang mga bata ay may edád 10 hanggang 14.

Sinabi pa ni Gatchalian na nabanggít din ng Philippine Institute for Development Studies na kulang din sa mga kuwalipikadong magtuturo ng CES, pasilidád, at gamit.

“Ang pagbibigáy ng sapát at wastóng edukasyón ay isá sa mga pinakamahalagáng hakbáng na pwede nating gawín upang hindí mapagkaitán ang ating mga kabataan ng magandáng kinabukasan,” idiniín niyá.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.