Isang low pressure area ang namataan ng Pagasa sa labas ng Philippine Area of responsibility.
Ayon sa Pagasa, nasa 1,095 kilometers east ng Mindanao ang LPA.
Maaring pumasok sa PAR ang LPA ngayong araw, July 3 o bukas.
Maliit naman ang ang tsansa na maging bagyo ang LPA sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Gayunman, maaring magdulot ng pag-ulan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang LPA lalo na sa bahagi ng Visayas at Bicol region.
Magdudulot naman ng maulap na kalangitan at kalat-kalat nap ag-ulan ang trough sa Visayas, Bicol Region, Mimaropa, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Quezon Province.
Makararanas ang Metro Manila ng maulap na pawairin at kalat-kalat na pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.