1,282 na residente inilikas dahil sa pag-alburuto ng Bulkang Taal
Aabot sa 1,282 katao na ang inilikas dahil sa patuloy nap ag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 11 evacuation center ngayon ang mga inilikas.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, off-limits ngayon sa mga residente sa volcano island.
Nabatid na 13 barangay ang apektado.
Kabilang na rito ang Poblacion, Sinturisan sa San Nicolas; Gulod, Buso Buso, Bugaan West, Bugaan East sa Laurel; Subic Ilaya, Banyaga, Bilibinwang sa Agoncillo; Apacay sa Taal; Luyos, Boot sa Tanauan City; at San Sebastian sa Balete.
Sa ngayon, nasa Alert Level 3 ang Bulkang Taal dahil sa magmatic unrest sa main crater
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.