Batang edad ng Gilas Pilipinas kinapos sa karanasan ng Serbia, 76 – 83

By Jan Escosio July 01, 2021 - 08:51 AM

FIBA PHOTO

Hindi kinaya ng mas batang edad ng Gilas Pilipinas ang karanasan ng Serbia, 76-83

Nagawang makipagsabayan ng Gilas hanggang sa unang bahagi ng huling yugto ngunit kinapos sa mga huling minuto ng kanilang paghaharap sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade.

Nang makalamang pa ang Gilas sa 4th quarter sumandal na ang world No. 5 Serbia kay Boban Marjanovic, ng Dallas Mavericks, na umiskor ng walong puntos sa huling apat na minute ng laro.

Gumawa si Marjanovic ng 25 puntos  para sundan ang kanilang panalo kontra Dominican Republic noong nakaraang araw.

Pinakaba pa ng mga mas batang Gilas ang kanilang kalaban nang dahan-dahan burahin ang 16 puntos na kalamangan na ikinabigla din ng mga Serbian fans na nasa loob ng Aleksandar Nikolic Hall at lumamang pa, 74-73.

Si Gilas naturalized player Angelo Kouame ang bumandera sa Gilas sa kanyang 17 puntos, samantalang nag-ambag sina Jordan Heading at Kai Sotto ng 13 at 10 puntos.

Hindi nakapaglaro si Dwight Ramos, ang leading scorer ng Gilas, dahil sa injury, gayundin para sa Serbia sina Miami Heat forward Nemanja Bjelica at Nikola Kalinic.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.