Website na may leaked data ng mga botante, wala na

By Kathleen Betina Aenlle April 23, 2016 - 04:42 AM

comelec dataNatanggal na ang website na naglalaman ng leaked na mga personal na impormasyon ng milyun-milyong botante na nakuha ng hackers mula sa website ng Commission on Elections (COMELEC).

Naisakatuparan ito araw ng Biyernes, sa pagtutulungan ng Departments of Justice ng Pilipinas at ng Estados Unidos, at agad itong ipinaalam ng DOJ sa COMELEC.

Sa kumalat na website na wehaveyourdata.com, maaring i-search ang pangalan ng isang botante at tatambad na ang kaniyang mga detalyadong imporamasyon.

Kabilang na rito ang buong pangalan ng botante, address, birthday, birth place, presintong pagbo-botohan at kung kailan nagpa-reshistro.

Sa kabila nito, nakikipatulungan pa rin ang DOJ ng Pilipinas sa US para makuha ang mga breached data sa Cloudflare at GoDaddy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.