US at Britain, naglabas ng travel advisory sa Sulu

By Kathleen Betina Aenlle April 23, 2016 - 04:33 AM

sulu-mapBinalaan ng United States at ng Britain ang kanilang mga mamamayan na umiwas sa bahagi ng Sulu archipelago dahil sa mga sunud-sunod na serye ng pagdukot sa mga dayuhan na hinihinalang kagagawan ng mga Muslim extremists.

Sa inilabas na US State Department ang advisory sa mga mamamayan nila na ipagpaliban na muna ang pagbiyahe patungo sa Sulu archipelago kung hindi rin lang naman mahalaga.

Ito anila ay dahil sa mataas na banta ng kidnapping na bunsod ng terorismo.

Sakop ng sinasabing Sulu archipelago ang Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Matatandaang kabilang sa mga pinakahuling insidente ng pag-dukot ay ang kaso ng 18 Indonesian at Malaysian na pawang mga pahinante ng maliit na bangka.

Dinukot ang mga banyaga sa tatlong magkakahiwalay na insidente, at ito ang nag-udyok sa Malaysia, Indonesia at Pilipinas na mag-plano ng joint patrols, at mas paigtingin pa ang seguridad sa kanilang mga borders.

Abu Sayyaf ang itinuturong nasa likod ng karamihan sa mga pag-dukot na nagaganap sa Sulu na humihingi ng ransom bilang pangtustos sa kanilang pinapalaganap na terorismo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.