Go-Duterte tandem sa 2022 presidential elections 90 % suportado ng PDP-Laban
Patuloy na umaani ng suporta ang tambalang Senador Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 presidential elections.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, vice chairman ng Partido Demokratiko Pilipino o PDP-Laban, nasa 90% na sa kanilang hanay ang sumusuporta kay Go para tumakbong pangulo ng bansa at Pangulong Duterte na tumakbong bise presidente.
Pero ayon kay Cusi, nasa kamay pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang huling pagpapasya kung tatakbong bise presidente.
Bahala na rin aniya ang Pangulo na pumili sa kanyang magiging ka-tandem.
Ayon kay Cusi, kahit sino pa man ang mapili ng Pangulo na maging ka-tandem, tiyak na suportado ito ng partido.
Malakas aniya ang panawagan ng mga miyembro ng partido sa Cebu na itulak ang Go-Duterte tandem.
Pero agad aniyang nilinaw ni Go na huwag na siyang isama sa pulitika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.