Paboritong kandidato sa pagka-senador.
Ganito ang simpleng banat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chief Presidential Legal Counsel Savador Panelo.
Tinanong ng Pangulo kung tatakbong senador si Panelo sa 2022 national elections.
“Now, I’m sure that… Atty. Panelo? Senator Panelo o attorney? Secretary Panelo pala. My favorite candidate for senator. Tatakbo ka ba? Sabihin mo na at para malaman ng mga tao. Mukha atang tatakbo ka,” pahayag ng Pangulo.
Pero sagot ni Panelo, maglalakad na lamang siya at hindi tatakbo papuntang Senado para hindi madapa.
“Hello, Ginoong Pangulo, siguro lalakad na lang tayo papuntang Senado para hindi tayo madapa. Lakad na lang huwag takbo,” pahayag ni Panelo.
Ayon sa Pangulo, bilib siya sa pagiging istrikto at disiplina ni Panelo pagdating sa trabaho.
“Alam mo, Sal, maraming tao na hindi nakakaintindi sa iyo pero ‘pag nalaman nila gaano ka ka-strikto — very strict sa — disiplinado ka sa trabaho mo at kung alam lang nila ang paano umaandar ‘yong utak mo, bibilib ang Pilipino. Ako, bilib ako sa iyo. Bilib ako sa utak mo. At I said I appreciate your — itong ano mo ‘yong pagka-strikto mo sa trabaho. Everybody is almost on a tiptoe ‘pag iyang binabasa na namin iyong mga recommendations mo,” pahayag ng Pangulo.
Wala pa namang tugon si Panelo sa tanong ng Radyo Inquirer kung tatakbong Senador sa susunod na eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.