GCQ with restrictions sa Metro Manila inihirit ng IATF na ituloy hanggang July 15
Inirekomenda ng Inter Agency Task Force (IATF) na ituloy hanggang sa darating na July 15 ang pagpapairal ng general community quarantine (GCQ) with restrictions sa Metro Manila.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque kasama sa nais ng IATF ang mga lalawigan ng Bulacan at Rizal, samantalang GCQ with heightened restrictions naman ang paiiralin sa Laguna at Cavite.
Magugunita na binuo ang NCR Plus bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal noong Marso dahil sa pagsirit ng COVID-19 cases, ngunit binuwag na ito nang bumaba na ang mga kaso sa National Capital Region.
Samantala, inirekomenda naman na sa buong buwan ng Hulyo ay pairalin ang GCQ sa ilang mga pangunahing lalawigan at lungsod, kasama na ang mga kilalang tourist destinations;
1. Baguio City
2. Ifugao
3. City of Santiago, Isabela
4. Nueva Vizcaya
5. Quirino
6. Batangas
7. Quezon
8. Guimaras
9. Aklan
10. Bacolod City
11. Negros Occidental
12. Antique
13. Capiz
14. Zamboanga Sibugay
15. City of Zamboanga
16. Iligan City
17. General Santos City
18. Sultan Kudarat
19. Sarangani
20. Cotabato
21. South Cotabato
22. Agusan del Norte
23. Surigao del Norte
24. Agusan del Sur
25. Cotabato City
Samantala, ang mga lugar na mataas pa rin ang bilang ng mga kaso ay inirekomenda na sumailalim sa mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ);
1. Cagayan
2. Apayao
3. Bataan
4. Lucena City
5. Puerto Princesa
6. Naga
7. Iloilo City
8. Iloilo
9. Negros Oriental
10. Zamboanga del Sur
11. Zamboanga del Norte
12. Cagayan de Oro City
13. Davao City
14. Davao Oriental
15. Davao Occidental
16. Davao de Oro
17. Davao del Sur
18. Davao del Norte
19. Butuan City
20. Dinagat Islands
21. Surigao del Sur
Ang mga natitirang lugar naman ay mananatili sa modified general community quarantine o MGCQ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.