Bus na sangkot sa aksidente sa Batangas, sinuspinde ng LTFRB

By Jan Escosio April 22, 2016 - 04:17 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Pinatawan ng hanggang 30 araw na suspensyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang siyam na unit ng Gurim Travel and Tours.

Ito ay matapos na masangkot ang isang unit ng kanilang bus sa aksidente sa Mataas na Kahoy sa Batangas kaninang umaga.

Nabatid na ang bus ng nasabing kumpanya ay may rutang Bacoor, Cavite hanggang sa anumang lugar sa Luzon.

Aabot sa anim na katao ang nasawi sa aksidente na naganap sa Barangay San Sebastian.

Hindi naman bababa sa 35 ang nasugatan o nasaktan at ang mga ito ay ginagamot na sa mga pagamutan sa lalawigan.

Nakaligtas naman ang limang sakay ng bus.

Lumalabas na nahulog sa kanal ang isang gulong ng bus na may plakang DWX 480 at bumangga ito sa isang puno habang binabagtas ang palusong na bahagi ng kalsada.

Ang mga biktima ay pawang guro ng Angono Elementary School sa Rizal at patungo sila sa isang team building seminar.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.