Pasay City LGU nakaabang sa ‘pasalubong’ na COVID 19 Delta variant ng Filipino balikbayans, OFWs

By Jan Escosio June 25, 2021 - 01:49 PM

Inanunsiyo ni Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano na mahigpit ang ginagawa nilang monitoring sa mga nagbabalik sa bansa na mga Filipino na maaring may pasalubong na COVID 19 Delta variant.

 

Sinabi ni Calixto – Rubiano na kailangan nilang gawin ito dahil malapit lamang sila NAIA.

 

Aniya nakipag-ugnayan na sila sa pambansang gobyerno na sabihan sila kapag natapos na ang 10-day quarantine ng returning Filipinos sa mga hotel.

 

Katuwiran nito, sila na ang mag-monitor sa mga balikbayan at OFWs sa natitirang apat na araw ng quarantine period para masiguro na hindi kakalat ang Delta variant sa Metro Manila.

 

Nabanggit niya na hiniling na rin ng Metro Manila Council (MMC) ang pagtatalaga ng mga pulis sa mga hotel na may balikbayan at OFWs para matiyak na hindi sila lalabas sa loob ng 10-day quarantine period.

 

Sa ngayon ay ikinakasa ng pamahalaang-lungsod ang pinaigting na contact tracing, gayundin ang prevent-detect-isolate-treat and reintegrate (PDITR) system para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa lungsod at Metro Manila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.