Bus, nahulog sa bangin sa Batangas, anim ang patay

By Erwin Aguilon April 22, 2016 - 12:49 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

(update) Anim na ang patay habang maraming iba pa ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang isang tourist bus sa provincial road sa Barangay San Sebastian, Mataas na Kahoy, lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Batangas Philippine National Police, public information office (PNP-PIO) chief, Police Senior Inspector Mary Ann Torres, minamaneho ni Christopher Plando ang tourist bus na may plakang DWX 480 nang bumangga ito sa isang puno at nahulog sa bangin.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Ang Anim na nasawi ay kabilang sa 59 na kataong sakay ng bus.

Pawang guro ng Angono Rizal Elementary School ang sakay ng bus at patungo sana sa Shercon Resort sa Mataas na Kahoy.

Ginagamot naman sa iba’t ibang ospital sa Batangas ang hindi bababa sa 30 mga pasaherong nasugatan.

Nagsasagawa pa rin ngayon ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.