Public viewing sa mga labi ni dating Pangulong Noynoy Aquino gaganapin sa Ateneo chapel
Ngayon alas-10 ng umaga magsisimula ang public viewing ng urn na kinalalagyan ng mga labi ng yumaong dating Pangulo Noynoy Aquino sa Church of Gesu sa loob ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa Katipunan Avenue, Quezon City.
Ang mga nais masilayan ang urn ay papapasukin lamang sa Gate 3 ng unibersidad.
Nabatid na kagabi pa lang ay hinigpitan na ang seguridad sa loob at paligid ng ADMU bilang paghahanda sa isasagawang public viewing.
Bukod dito, may mga itinali na rin mga kulay itim at dilaw na ribbons sa bakod at gate ng ADMU.
Bago sisimulan ang public viewing, magkakaroon muna ng pribadong seremonya pagdating ng mga labi ng yumaong pangulo.
Sa Ateneo nagtapos ang yumaong pangulo mula elementarya hanggang kolehiyo.
Pinaalalahan din ang mga magtutungo sa Ateneo na mahigpit na sumunod sa minimum health protocols.
Magpapatuloy ang public viewing hanggang mamayang alas-10 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.