LOOK: Bandila sa Provincial Capitol ng Sorsogon, naka-half mast na rin
Inilagay na rin sa half-mast ang bandila sa Provincial Capitol ng Sorsogon.
Sa bisa ng Executive Oder 17-2021, ipinag-utos ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang paglalagay sa half-mast ng watawat ng Pilipinas sa nasabing lalawigan.
Bahagi ito ng pagkilala sa buhay at pakikiisa sa pagluluksa sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Escudero na hinahangaan niya ang naging dedikasyon ng dating Pangulo para sa demokrasya, karapatang pantao at paglaban sa korupsyon.
“His understanding of the connection of poverty and corruption resonated well during his administration and influenced policies toward empowering the poor while holding public officials accountable for their misdeeds,” ayon sa gobernador.
Dagdag nito, “I am quite sure that the world mourns with your loved ones, but with grateful hearts for your contribution to the Filipino people as a public servant and a remarkable person.”
Inanunsiyo ng pamilya Aquino na renal disease secondary to diabetes ang naging sanhi ng pagpanaw ng dating Punong Ehekutibo.
Nasawi ang ika-15 pangulo ng Pilipinas sa edad na 61.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.