LOOK: Bandila sa Palace compound, inilagay na sa half mast
By Angellic Jordan June 24, 2021 - 02:34 PM
Inilagay sa half-mast ang bandila sa Palace compound.
Ito ay bahagi ng pakikidalamkati ng Palasyo ng Malakanyang sa pamilya ng yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Nasa half-mast na rin ang mga bandila sa iba’t ibang bahagi ng Lungsod ng Maynila.
Pumanaw ang dating presidente sa edad na 61 sa hindi pa tinutukoy na rason.
Si Aquino ang ika-15 pangulo ng Pilipinas. Nagsilbi bilang Punong Ehekutibo mula 2010 hanggang 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.