Pulis na nangangaral ng mga salita ng Diyos, pinuri ni PNP Chief Eleazar

By Jan Escosio June 22, 2021 - 04:14 PM

PNP photo

Hindi lamang ang mga kapalpakan at kalokohan ng mga pulis ang napapansin ni Philippine National Police (PNP) Chief Gullermo Eleazar dahil hindi rin nakaligtas sa kanyang atensyon ang ginagawa ng isang pulis sa Iloilo City.

Pinuri ni Eleazar si Police Executive Master Sgt. Cesar Pinuela dahil sa pagsasagawa nito ng Bible study sa mga nasa ilalim ng kustodiya ng Iloilo City Police Station 3.

Bukod dito, pinangunahan din ni Pinuela ang pamamahagi ng mga pagkain at face shield sa mga nakakulong sa kanilang istasyon.

Ayon pa kay Eleazar, may community pantry ding pinangangsiwaan si Pinuela at may feeding program din sa mga residente sa kanilang lugar.

Nabatid na binibisita rin nito ang mga kapatid na Muslim sa kanilang nasasakupan at nagpapasalamat sa suporta sa anti-criminality campaign ng lokal na pulisya.

“Saludo ako sa ginagawang serbisyo ni PEMS Pinuela para sa kanyang mga kababayan sa Iloilo City. Kung para sa iba’y maliit na bagay lamang itong kanyang pagtulong, sa iba’y napakalaking bagay na itong maituturing,” sabi pa ng hepe ng pambansang pulisya.

TAGS: Inquirer News, PNP, Radyo Inquirer news, Inquirer News, PNP, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.