‘Bus marshals,’ ipinakalat NCRPO sa Metro Manila

By Kathleen Betina Aenlle April 22, 2016 - 04:25 AM

 

City Bus Inq FileMuli nang sinimulan ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) ang pagtatalaga ng mga pulis bilang “bus marshals.”

Ayon kay NCRPO chief Director Joel Pagdilao, magtatalaga sila ng 240 unipormadong mga pulis sa mga bus sa kahabaan ng EDSA.

Ang proyektong ito ay magiging katuwang rin ng Oplan Lambat Sibat ng PNP.

Layon nitong magbigay ng proteksyon at seguridad sa mga pasahero para mabawasan na ang mga insidente ng pangho-holdap o kaya ng snatching sa loob ng mga bus.

Hahatiin ang 240 pulis, kung saan 80 sa kanila ang magsisilbi kada otso oras.

Dalawang naka-unipormeng pulis ang magsa-sama sa pag-akyat sa mga bus para silipin ang mga sitwasyon sa bus na bumabaybay sa EDSA.

Nagkaroon na rin ng kasunduan ang pulisya at mga grupo ng mga bus sa Metro Manila para tuluy-tuloy na ang pagsasakatuparan nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.