Pilipinas makakukuha ng malaking bahagi ng COVID-19 vaccines na donasyon ng Amerika
Nasa priority recipient ng Amerika ang Pilipinas para sa pamamahagi ng donasyon ng 55 million doses ng COVID-19 vaccines.
Sa pahayag ng embahada ng Amerika sa Pilipinas, sinabi nito na malaking porsyento ng mga bakuna mula sa COVAX facility ang mapupunta sa bansa.
“The Biden-Harris administration has announced that the Philippines will be among priority recipient countries to receive a portion of the latest 55 million tranche of U.S. government-donated COVID-19 vaccine doses,” pahayag ng embahada.
Ayon sa ulat, sinasabing makakukuha ang Pilipinas ng 16 million shots.
Bukod sa Pilipinas, makakukuha rin ng bakuna ang Colombia, Argentina, Haiti, Dominican Republic, Costa Rica, Panama, Afghanistan, Bangladesh, Pakistan, Vietnam, Indonesia, South Africa, Nigeria, Kenya, Ghana, Cabo Verde, Egypt, Jordan, Iraq, Yemen, Tunisia, Oman, West Bank and Gaza, Ukraine, Kosovo, Georgia, Moldova, at Bosnia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.