Alok na tulong ng Israel sa vaccine rollout sa Pilipinas pinuri ni Sen. de Lima

By Jan Escosio June 22, 2021 - 09:54 AM

Magandang hakbang ayon kay Senator Leila de Lima ang pagtanggap ng gobyerno sa alok na tulong ng Ministry of Health ng Israel para sa ikinakasang vaccine rollout sa bansa.

Umaasa si de Lima na malaki ang maitutulong ng tatlong medical experts mula sa Israel sa usapin ng dapat na mga istratehiya sa distribusyon ng mga bakuna.

Gayundin, dagdag pa ng senadora, para na rin mawala na ang mga pag-aalangan at pagdududa sa bakuna kontra COVID-19.

Sinabi nito na ang vaccination rate sa Israel ang isa sa pinakamataas sa buong mundo at marami ang matutuhan ang Pilipinas sa kanila, lalo na ngayon mababa pa rin ang bilang ng mga nababakunahan sa bansa.

 “Dapat makasigurado na tama at efficient ang mga istratehiya at polisiya ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19, lalo na sa pagpapabakuna ng mga Pilipino dahil ito ang pinakamabisang paraan para matuldukan ang pandemya,” aniya.

Noong nakaraang araw ng Linggo, dumating na sa bansa ang medical experts na sina Avraham Ben Zaken, Adam Nicholas Segal, at Dafna Segol para ipaliwanag ng husto ang paghawak sa mga sensitibong bakuna ng Pfizer at Moderna.

Pagdidiin ng senadora napakahalaga na mapabilis ang pagbabakuna sa mga Filipino gayundin na mawala na ang kanilang agam-agam sa COVID-19 vaccines.

TAGS: Adam Nicholas Segal, Avraham Ben Zaken, Dafna Segol, israel, leila de lima, medical experts, Adam Nicholas Segal, Avraham Ben Zaken, Dafna Segol, israel, leila de lima, medical experts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.