Jail guard patay sa pamamaril

By Jay Dones April 22, 2016 - 04:20 AM

 

crime-scene-e1400865926320Agad na nasawi ang isang jail guard ng Sorsogon Provincial Jail matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa lungsod.

Mga mahahabang uri umano ng armas ang ginamit ng mga suspek sa pananambang sa biktimang kinilalang si EmeldoLubag.

Ayon sa imbestigasyon, lulan ang biktima ng kanyang motorosiklo at binabaybay ang lansangan sa bahagi ng Bgy. Cabid-an nang pahintuin ito ng apat na armadong suspek.

Dito na pinaputukan ng mga suspek ang biktima at nang makumpirmang patay na ito ay agad na tumakas lulan ng dalawang motorisklo.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbesitgasyon ang mga otoridad sa posibleng motibo sa likod ng pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.