Tropical depression hindi papasok sa PAR ayon sa Pagasa
Isang tropical depression ang namataan ng Pagasa.
Ayon sa Pagasa, may layong 2,460 kilometers east ng Southern Luzon ang tropical depression pero hindi papasok sa Philippine Area of Responsibility.
Makararanas ng maulap at kalat-kalat nap ag-ulan ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.
Ito ay dahil sa hanging habagat na patuloy na nakaapekto sa bansa.
Ayon pa sa Pagasa, makararanas din ng maulap na kalangitan at panaka-nakang pag-ulan ang Visayas.
Makararanas naman ng magandang panahon ang bahagi ng Mindanao pero maaring magkaroon ng pag-ulan dahil sa localized thunderstorm.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.