Sen. Tolentino sa NHA: Housing project units na ayaw tirahan, ibigay sa iba

By Jan Escosio June 18, 2021 - 08:45 AM

 

Senate PRIB photo

Hiniling ni Senator Francis Tolentino sa National Housing Authority (NHA) na gumawa ng paraan na maibigay sa ibang mahihirap na pamilya ang mga naibigay na units sa government housing projects na bakante pa rin makalipas ang mahabang panahon.

Paliwanag ng namumuno sa Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, ang housing units na mula sa gobyerno ay maituturing na para sa lahat at maari itong maibigay sa iba kung makalipas ang tatlong taon ay hindi pa rin nakakalipat ang benipesaryo.

“We consider these (government housing units) as a public good and as a public good, they should benefit the general public,” diin ng senador.

Kasunod ito nang pagbubunyag ni NHA Gen. Manager Marcelino Escalada Jr., na may mga awarded units ang hindi pa naookupahan ng benipesaryo at may iba na pinauupahan pa.

Aniya sa pagbisita niya sa isang government housing project nalaman niya na ang mga unit na binabayaran ng P250 hanggang P500 ay pinauupahan sa halagang P3,000 hanggang P4,000 kada buwan.

Ayon kay Escalada kapag napatunayan niya na pinauupahan ang unit, babawiin niya ito sa awardee at ibibigay sa umuupa.

Samantala, ibinahagi din ng opisyal na maraming units naman na ibinigay sa mga pulis at sundalo ang hindi pa nao-okupahan dahil ang mga awardees ay nakadestino sa ibang lugar.

TAGS: Francis Tolentino, government housing, Francis Tolentino, government housing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.