Sagot ni Roque kay Rodriguez: “Hindi ako sinungaling”

By Chona Yu June 17, 2021 - 09:34 PM

“Hindi ako sinungaling.”

Tugon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa banat ni Cagayan de Oro Congressman Rufus Rodriguez na pinabayaan ng pamahalaan ang Mindanao region sa pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19 kahit na patuloy ang kanyang apela na bigyan sila ng bakuna.

Ayon pa kay Rodriguez, inuna pa raw kasi ang Metro Manila.

Pero ayon kay Roque, nasaktan siya sa mga sinabi ni Rodriguez.

“I will call the attention of Congressman Rufus Rodriguez, who is my very good friend. But I did not lie, because he claimed that I lied and I take offense with that. I merely repeated what the President said, that he has ordered a more equitable distribution of vaccines because of the rise of cases in other parts of the country,” pahayag ni Roque.

“Hindi po ako nagsisinungaling; sinabi ko lang po kung ano ang sinabi mismo ng Presidente sa isang Talk to the People. At dahil nga po dito ay nagkaroon po ng aksiyon ang ating Vaccine Czar, at nagpadala na nga po nang mas maraming mga bakuna sa mga lugar na tumaas ang COVID. At for the information of Congressman Rufus Rodriguez, mayroon na po tayong 1,735,630 vaccine doses na na-deliver sa Mindanao at 35,000 po nito ay sa distrito ni Congressman Rufus Rodriguez,” dagdag ni Roque.

Apela ni Roque kay Rodriguez, maghinay-hinay sa mga banat.

“Let’s be more careful about alleging other public officials lying to the public, because I do not lie. I repeated what the President’s said,” pahayag ni Roque.

TAGS: Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, rufus rodriguez, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, rufus rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.