Naglabas ng rainfall advisory ang PAGASA sa ilang lalawigan sa bansa bunsod ng Southwest Monsoon o Habagat.
Sa abido bandang 1:27 ng hapon, makararanas ng moderate to occasionally heavy rains ang San Mariano, Isabela.
Nararanasan naman ang nasabing lagay ng panahon sa bahagi ng Dinapigue.
Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Gonzaga, Cagayan.
Sa abiso naman dakong 1:51 ng hapon, mahina hanggang katamtamang pag-ulan din ang umiiral sa Tinoc, Ifugao.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang nabanggit na lagay ng panahon sa susunod na isa hanggang dalawang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.