Ayuda sa mga umuupang mahihirap na pamilya lusot sa Senate panel

By Jan Escosio June 17, 2021 - 11:33 AM

Naaprubahan na sa Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement ang mga panukalang bigyan ng ayuda para sa bayad sa upa ng tirahan ang mga mahihirap na pamilyang Filipino.

Ang mga ito ayon kay Sen. Francis Tolentino ang mga panukala nina Sens. Leila de Lima, Bong Revilla at Christopher Go, gayundin ang House Bill No. 8736 o ang Rental Housing Subsidy Program Act.

Paliwanag ni Tolentino, na siyang namumuno sa nabanggit na komite, layon ng mga panukala na mabigyan ng buwanang housing subsidy ang informal settler families (ISFs), na nakatakda ng mabigyan ng relokasyon.

Ang ayuda ay ibibigay hanggang sa mabigyan ng relokasyon ang benipesaryo o hanggang limang taon, anuman ang mauna sa dalawa.

Dagdag ng senador kailangan lang na hindi lang ngayon may pandemya ibinibigay ang ayuda dahil kasama na ang pagbabayad sa upa ng tirahan ang malaking problema ng mga mahihirap na pamilya hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa mga probinsiya.

“Ito pong rental subsidy ay hindi lamang patungkol ngayon sa COVID pandemic kung hindi maging pagkatapos po nang pandemya, dahil yung problema natin sa pabahay ay hindi lamang po sa Metro Manila kung hindi maging sa mga ilang urban areas ng Pilipinas ay patuloy po” paliwanag pa ni Tolentino.

Sa ngayon, one-time rental subsidy lang ang ibinibigay ng National Housing Authority (NHA) sa mga kuwalipikadong ISFs sa Metro Manila na ililipat na rin sa mga proyekytong-pabahay sa Rizal, Batangas, Bataan at Laguna.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.