DOH, pabor sa pagtanggal ng face shield kapag nasa labas ng bahay o mall

By Chona Yu June 16, 2021 - 04:20 PM

Pabor si Treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega na tanggalin na ang pagsusuot ng face shield lalo na kung nasa labas ng bahay o mall.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Vega na maliit naman kasi ang tsansa na mahawa sa COVID-19 ang isang indibidwal kapag nasa labas dahil sa hindi pagsusuot ng face shield.

Nagkakaroon kasi ng moist ang face shield kapag isinisuot ng isang indibidwal.

Pero paglilinaw ni Vega, kailangan pa ring isuot ang face shield kapag nasa indoor.

“Alam mo, ang face shields kailangan naman talaga iyon kapag nasa indoor ka, kapag nasa mall ka or kapag may interaction ka na face-to-face inside ano pero kapag nasa outside naman kasi alam naman natin ang risk of transmission is very low at lalung-lalo na kapag naglalakad ka lang sa kalye o kaya nagtatrabaho kasi mag-a-affect iyong moist nito. So, puwede ninyo hong tanggalin ho iyan pero kapag pumasok kayo sa mga indoors ho kailangan may face shields kasi ito iyong added protection na hindi kayo maka-transmit o mahawaan kayo,” pahayag ni Vega.

Matatandaang iminungkahi ni Manila Mayor Isko Moreno na tanggalin na ang pagsusuot ng face shield dahil wala namang siyentipikong pag-aaral na nakatutulong ito blang proteksyon kontra COVID-19.

Sinabi pa ni Mayor Isko na dagdag gastos lamang ang face shield at dagdag basura.

TAGS: face shield, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Usec. Leopoldo Vega, face shield, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Usec. Leopoldo Vega

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.