Pagbabakuna ng mga nasa A5 vaccination priority list sa Maynila umarangkada sa Tondo

By Chona Yu June 16, 2021 - 09:47 AM

CHONA YU PHOTO

Personal na sinaksihan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbabakuna ng mga kabilang sa A5 priority list o ang mga mahihirap sa Baseco.

 

Aniya ang natanggap nilang 74,000 doses ng Pfizer vaccines mula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO) ang ituturok nila.

 

Dagdag pa niya, ipapatupad ang ‘first come, first serve’ policy at hindi ang ‘by-appointment’ o ‘scheduling’ sa katuwiran na marami ang hindi sumisipot sa itinakdang araw ng pagpapabakuna.

 

Ayon pa kay Moreno kapag sapat na ang suplay ng bakuna ay ibabalik din nila ang pre-registration.

 

Pinayuhan naman niya ang mga nais magpabakuna na nasa A5 list na iwasan ang magpuyat para agad silang makalusot sa pre-sreening o sa pagkuha ng kanilang vital signs.

 

Masasayang lang sabi pa ng alkalde kung hindi rin sila mababakunahan kung hindi maayos ang kanilang kondisyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.