Higit P130-M halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa dalawang buy-bust operations

By Jan Escosio June 15, 2021 - 06:32 PM

PDEA photo

Magkasunod na buy-bust operations ang ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa Parañaque City at Las Piñas City, Martes ng hapon.

Sa paunang impormasyon mula kay PDEA Dir. Derrick Carreon, bandang 1:30 ng hapon nang ikasa ang unang operasyon sa open parking lot ng SM Sucat sa Parañaque City.

Nahuli sina January Berroya, 40-anyos ng San Pedro City, Laguna; at Rolando Sanchez, 57-anyos ng Barangay Kalawaan sa Pasig City.

Nagbenta sila ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon sa mga ahente ng PDEA.

Makalipas ang mahigit isang oras, naaresto naman si Moises Joshua Esguerra, 23-anyos, sa bahay nito sa BF Resort, Barangay Talon Dos sa Las Piñas City.

Una siyang nagbenta ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon at nang halughugin ang kanyang bahay ay nadiskubre ang P17 kilos ng shabu na may halaga naman na P115 milyon.

PDEA photo

TAGS: confiscated shabu, Inquirer News, PDEA operations, Radyo Inquirer news, confiscated shabu, Inquirer News, PDEA operations, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.