Luzon, makararanas pa rin ng pag-ulan dulot ng Habagat

By Angellic Jordan June 15, 2021 - 06:28 PM

DOST PAGASA satellite image

Umiiral pa rin ang Southwest Monsoon o Habagat sa Luzon.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Joey Figuracion na magdudulot ang Habagat ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa bahagi ng Ilocos region.

Asahan aniyang magpapatuloy ang pag-iral ng Habagat, lalo na sa Kanlurang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.

Sa nalalabi namang bahagi ng bansa, magiging maaliwalas ang panahon.

May tsansa aniya na makaranas ng pulo-pulong pag-ulan bunsod ng thunderstorms.

Sinabi pa ni Figuracion na walang binabantayang bagyo o sama ng panahon na posibleng pumasok sa teritoryo ng bansa.

TAGS: habagat, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, southwest monsoon, weather update June 15, habagat, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, southwest monsoon, weather update June 15

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.