Pagpayag na full capacity sa restaurants na customers na fully vaccinated na, hiniling

June 15, 2021 - 03:42 PM

Kuha ni Richard Garcia

Hiniling ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong na payagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang 100 porsyentong dine-in capacity sa mga restaurants para sa mga customer na fully vaccindated na laban sa COVID-19.

Ayon sa mambabatas, maaring magtakda ng mga lugar ang restaurants na eksklusibo lamang para sa customers na nakakumpleto na ng COVID-19 vaccine.

Bagamat nauunawaan na ang kalusugan ang prayoridad, mahalaga rin aniyang matulungan ang mga business sector na dalawang taon nang apektado ng pandemya.

Importante aniyang masimulan na muli ang pagbuhay sa domestic tourism dahil marami sa mga maliliit na munisipalidad ay umaasa sa turismo ng kanilang lugar.

Maliban dito, inirekomenda rin nito na simulan na ng malls, restaurants, hotels, resorts at iba pang kahalintulad na lugar na tumanggap ng fully vaccinated na senior citizens.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Ronnie Ong, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Ronnie Ong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.