Pangulong Duterte hindi makikipagtulungan sa ICC

By Chona Yu June 15, 2021 - 12:41 PM

Hindi makikipagtulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court sa crimes against humanity na isinampa laban kanya kaugnay sa anti-drug war campaign.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos humirit si ICC Prosecutor Fatou Bensouda ng judicial authority matapos makitaan na may paglabag sa karapatang pantao ang anti-drug war campaign ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na miyembro ang Pilipinas sa ICC.

Kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag sa ICC noong March 2019.

Sinabi pa ni Roque na legally erroneous at politically motivated ang ginagawang imbestigasyon ng ICC kay Pangulong Duterte dahi wala silang hurisdiksyon sa Pilipinas.

Hindi na aniya kailangan na manghimasok pa ang mga dayuhan gaya ng ICC dahil gumagana naman ang judicial system sa bansa.

Sinabi pa ni Roque na dapat na mapansin kung sino- sino ang nasa likod ng reklamong isinampa sa ICC.

Isa sa mga naghain ng reklamo sa ICC si dating Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Roque, isa sa mga naghain ng reklamo laban kay Pangulong Duterte ay may ambisyon na tumakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Kumpiyansa si Roque na hindi papasa sa pre-trial chamber ang hirit ni Bensouda na formal investigation.

Ayon kay Roque, tiyak na ibabasura lamang ang hiling ni Bensouda.

 

TAGS: anti drug war campaign, crime against humanity, Fatou Bensouda, Harry Roque, International Criminal Court, Rodrigo Duterte, anti drug war campaign, crime against humanity, Fatou Bensouda, Harry Roque, International Criminal Court, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.