ICC prosecutor humihirit ng judicial authority para imbestigahan si Pangulong Duterte sa drug war sa Pilipinas
Pormal nang humihirit si International Criminal Court Prosecutor Fatou Bensouda ng judicial authorization para ituloy ang ginagawang imbestigasyon sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinasuhan ang Pangulo sa ICC dahil nauwi na umano sa walang humpay na patayan ang anti-drug war campaign ng administrasyon.
Sa statement ni Bensouda, sinabi nito na natapos na ang preliminary investigation na isinampa ng local groups laban kay Pangulong Duterte.
Nais ni Bensouda na bago man lang matapos ang kanyang termino bilang prosecutor ng ICC na madetermina ang lahat ng sitwasyon ng mga kasong sumailalim sa preliminary examination.
Sa paniwala ni Bensouda, mayroong reasonable basis na may nangyaring crime against humanity of murder sa Pilipinas mula noong July 1, 2016 hanggang March 16, 2019 o ang panunungkulan ni Pangulong Duterte.
Matatandaan na noong December 2019, nangako ang ICC na itutuloy ang pagdinig sa kaso kahit na kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute na nag-tatag ng ICC.
Wala pa namang pahayag na inilalabas ang Palasyo ng Malakanyang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.