Bagong curfew hours sa Metro Manila, ipatutupad sa June 15

By Chona Yu June 14, 2021 - 11:49 AM

Nagkasundo na ang Metro Manila mayors na iklian ang ipinatutupad na curfew hourus.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na nagpulong kagabi ang mga alkalde at nagkaisa na bawasan ang oras ng curfew.

Ayon kay Abalos, sa halip na 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw, magsisimula ang curfew ng 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng madaling araw.

Magiging epektibo aniya ang bagong curfew hours sa June 15.

Ayon kay Abalos, ibinase ng Metro Manila mayors ang desisyon sa  data na nagpapakita na ang daily attack rate  sa National Capital Region nasa 6.76 % na lang habang ang two week growth rate ay nasa 67.75%.

Nangangahulugan na hahaba rin ang oras ng operasyon ng ibang mga negosyo at establisyimento, na makatutulong aniya para unti unti nang sumigla ang ekonomiya.

 

 

 

 

 

TAGS: benhur abalos, curefew, Metro Manila mayors, benhur abalos, curefew, Metro Manila mayors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.