P10 bilyon inilaan ng Maynila para sa pagtugon sa COVID-19
By Chona Yu June 14, 2021 - 10:00 AM
Sampung bilyong piso ang ilalaan na pondo ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa pagbuhay ng ekonomiya ng lungsod na nalugmok dahil sa pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, tutugunan ng lokal na pamahalaan ang problema sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho sa susunod na anim na buwan.
Bubuhayin din aniya ng lokal na pamahalaan ang pagnenegosyo sa lungsod.
Ayon kay Mayor Isko, kasama sa paglalalaanan ng pondo ang problema sa pabahay, kalusugan, at kaligtasan ng bawat isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.