Kapatid ni ASG leader Mundi Sawadjaan, 3 pa, patay sa engkwentro sa Sulu

By Erwin Aguilon June 13, 2021 - 11:08 AM

Patay ang kapatid ni Abu Sayyaf leader Mundi Sawadjaan na itinuturong utak ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu sa sagupaan ng militar at mga terorista, madaling-araw ng Linggo.

Ayon sa Joint Task Force Sulu, apat na mga miyembro ng ASG ang namatay sa engkwentro na naganap sa Barangay Alat, Jolo, Sulu.

Nakilala ang mga ito na sina Al-al Sawadjaan, bunsong kapatid ni Mundi, ASG sub-leader na si alyas Raup at isa pa na hindi pa rin nakikilala.

Sinabi ni JTF Sulu at 11th Infantry Division Commander  Major General William Gonzalez na magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga tauhan ng JTF Sulu at pulisya kay ASG sub-leader na si Yadah nang maganap ang sagupaan na ikinasawi ng apat na ASG.

Si Yadah ay kabilang sa mga serye ng pagdukot sa limang Indonesian Nationals sa karagatan ng Malaysia noong 2020 gayundin sa Filipino-American na sir ex Triplett sa Zamboanga del Norte noong 2018.

Nakarecover ang mga awtoridad ng isang M653 carbine rifle, isang calibre 45 pistol, mnga sangkat sa paggawa ng pampasabog at 15 cellular phone.

 

 

TAGS: ASG, Jolo, Jolo twin bombings, JTF Sulu, Sulu, ASG, Jolo, Jolo twin bombings, JTF Sulu, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.