Second dose ng bakuna hindi dapat kaligtaan ng mga senior citizen – Rep. Ordanes
Hinihimok ni Senior Citizen Rep. Rodolfo Ordanes ang mga matatanda na bumalik at kumpletuhin ang second dose ng kanilang COVID-19 vaccine.
Sinabi nitong hindi dapat makaligtaan ang second dose dahil mahalaga ito para sa proteksyon sa sakit lalo na sa mga vulnerable at matatanda sa bansa.
Sakali naman aniyang pumalya sa schedule ng second dose ng bakuna ay hindi naman dapat mag-alala dahil mismong ang Department of Health (DOH) na ang nagsabing maaari pa ring magpaturok ng second dose.
Naniniwala ang kongresista na ang pagiging fully-vaccinated ay susi sa pagbabalik normal ng buhay ng mga tao.
Pahayag ito ni Ordanes, matapos maiulat ng Inter-Agency Task Force (IATF) libu-libong mga Pilipino kasama na ang mga senior citizens ang hindi na bumalik para magpaturok ng ikalawang dose ng bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.