Mga patungong Cebu mula sa Bohol, Negros Island kailangan ng RT-PCR, antigen test
Kinakailangan munang magpakita ng negative results ng real time polymerase reaction test (RT-PCR) ang mga magtutungo sa lalawigan ng Cebu na galing Bohol, Negros Oriental at Negros Occidental.
Base sa executive order na inilabas ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ang karagdagang requirements sa mga ito ay dulot ng tumataas na kaos ng COVID-19 sa nabanggit na mga lugar.
Epektibo ang EO 12:01 ng madaling-araw ng Lunes, June 14, 2021 hanggang July 24, 2021 maliban na lamang kung palawigin pa ito.
“Based on the data received from the Department of Health (DOH), there has been a steady rise in COVID-19 cases in the Province of Bohol and the Province of Negros Oriental,” saad ni Garcia sa EO.
Ang resulta ng negative RT-PCR ay dapat sinuri, 72 oras bago ang kanyang pagbyahe.
Kung imposible naman ang RT-PCR, pinapayagan ang Rapid Antigen Test pero pero ay dapat kinuha 48 oras bago ang pagbyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.