Duterte, bukas na pag-aralan ang panukalang pagkakaroon ng bagong Baselines Law
Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan ang panukala ni dating Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na pagkakaroon ng bagong Baselines Law.
Sa panukala ni Jardeleza, kailangan ang bagong Baselines Law para maipatupad ang 2016 arbitral ruling kung saan nanalo ang Pilipinas laban sa China sa claims sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mainit ang pagtanggap ng Pangulo sa panukala ni Jardeleza.
Ayon kay Roque, sinabi ng Pangulo na kung mayroon nang opisyal na proposal si Jardeleza, agad itong ibigay sa kanyang tanggapan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ‘very appreciative’ ang pangulo sa suhesyong ito.
Sinabi aniya ng pangulo na kung mayroon pang mga ganitong suhestiyon, agad na ipadala sa kaniyang tanggapan.
Sinabi pa ni Roque na ang legal team ng Malakanyang ang gagawa ng pag-aaral bago isumite sa Office of the Executive Secretary.
Nais din ni Roque na maisama sa State of the Nation Address ng Pangulo ang usapin sa West Philippine Sea para mas malakas ang dating.
Nais ni Jardeleza na amyendahan ang Philippine Baselines Law o RA no. 9522, upang ma-identify ang hindi bababa sa 100 maritime feautres sa WPS, at coordinates ng mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.