DPWH nagsasagawa ng solusyon sa Mancatian Bridge sa Porac, Pampanga

By Angellic Jordan June 10, 2021 - 04:15 PM

DPWH photo

Nagsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng engineering solutions para sa Pasig-Potrero River at Mancatian Bridge sa Porac, Pampanga.

Ayon sa DPWH Secretary Mark Villar, makatutulong ang countermeasure projects upang maiwasan ang riverbed degradation at masiguro ang kaligtasan sa pagpapatibay ng pile foundations ng Mancatian Bridge sa bahagi ng Angeles-Porac Road.

Mahalaga aniya ang nasabing tulay para mapanatili ang koneksyon ng Barangay Mancatian sa iba pang lugar sa Porac.

Nag-inspeksyon sina Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations Emil Sadain at Project Manager Isabelita Manalo sa nagpapatuloy na konstruksyon.

Sa ngayon, 96 porsyento nang tapos ang 136-lineal meter dike sa bakuran ng Pasig Potrero River at downstream ng Mancatian Bridge.

Makatutulong ito para sa river channel capacity at stability ng nasabing tulay.

DPWH photo

TAGS: Build Build Build program, DPWH, Inquirer News, Konkreto2022, MarkVillar, Radyo Inquirer news, Build Build Build program, DPWH, Inquirer News, Konkreto2022, MarkVillar, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.