Mga dayuhang napawalang-sala sa kasong kriminal, maari pa ring ipa-deport – BI

By Angellic Jordan June 10, 2021 - 03:41 PM

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na maari pa ring ipa-deport ang mga dayuhang napawalang-sala sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Philippine immigration laws.

Ito ang nilinaw ng ahensya kasunod ng desisyon sa kaso ng isang Swiss-Italian national kung saan ipinag-utos ang deportation nito sa kabila ng court acquittal.

Sa limang pahinang desisyon ng BI board of commissioners noong May 28, ipinag-utos ng ahensya ang agarang deportation ni Alfred Josef Honegger, 67-anyos na natagpuan bilang undesirable alien dahil sa panggugulo sa operasyon ng isang restaurant sa Cordova, Cebu.

Naunang naghain si Honegger ng dismissal ng kaniyang deportation case dahil ilan sa inihaing criminal complaints laban sa kanya ay na-dismiss ng Cebu provincial prosecutor’s office.

Ngunit, iginiit ng BI na ang criminal conviction ng isang dayuhan ay hindi prerequisite o hindi kailangan sa kaniyang deportation.

“The acquittal of an accused in a criminal case does not bar the deportation of an alien, who has been established by competent evidence to have committed acts contrary to morals, good customs, public order, or public policy,” paliwanag ng ahensya.

Dagdag pa nito, “Conviction of a crime is not necessary to warrant deportation.”

Sinabi rin ng BI na maraming ebidensya na magpapatunay kay Honegger bilang isang undesirable alien.

Dahil dito, nagdesisyon ang ahensya na ang presensya ni Honegger ay mapanganib sa publiko kung kaya ipinag-utos din na mapasama ang dayuhan sa blacklist ng BI.

TAGS: BI operation, Inquirer News, Radyo Inquirer news, BI operation, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.