Masakit sa loob para kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na manguna ang Ilog Pasig sa Top 10 Worst Plastic-Emitting Rivers sa buong mundo base sa ginawang pag-aaral ng The Ocean Cleanup at nailathala sa Science Advances.
Ayon kay Abalos, nakipag-ugnayan na siya sa negosyanteng si Ramon Ang para linisin ang Ilog Pasig.
Kumpiyansa si Abalos na kayang mabura ng MMDA ang Ilog Pasog sa listahan ng pinakamaruming ilog.
Bukod sa Ilog Pasig, pasok din sa Top 10 na pinakamaruming ilog ang Tullahan River.
Pantay sa ikalawang puwesto ang Tullahan River at Ulhas River sa India at Klang River sa Malaysia.
Pasok din sa top ten ang Meycauayan River sa Bulacan.
Ginawa ng The Science Cleanup ang pag aaral mula 2017 hanggang 2020.
Aabot sa 1,600 na ilog ang kanilang sinuri.
Sa pagkakataong ito, personal na dadalo sa pagdiriwang ng bansa sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang kinumpirma ni Presidential spokesman Harry Roque na nagsabing sa labas ng Metro Manila ang dadaluhang aktibidad ni Pangulong Duterte.
Gayunpaman, hindi pa masabi ni Roque kung saang lugar ito bunsod ng pangseguridad na dahilan.
Ito ang huling taong makadadalo si Pangulong Duterte sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bago matapos ang kaniyang termino sa susunod na taon.
Sa nakalipas na ilang taon ng kaniyang panunungkulan, hindi dumalo ang Pangulo sa mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan, kundi naglalabas lamang ang Malakanyang ng kaniyang mensahe.
Samantala, sa kaniyang sariling mensahe para sa araw ng Kalayaan, sinabi ni roque na ang Pilipino, sa simula’t simula ay iaalay ang buhay para sa Kalayaan ng inang bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.