Sen. Frank Drilon may pangamba sa pagmintis sa second dose ng 70% naturukan ng COVID 19 vaccine

By Jan Escosio June 10, 2021 - 07:21 AM

Nagpahayag ng kanyang pangamba si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa posibleng epekto sa ikinakasang vaccination program ng gobyerno ang pagmintis sa second dose ng mga naturukan ng COVID 19 vaccine.

“The government must ramp up its vaccination drive and increase its daily vaccination rate. Because, at the rate it is going now, I do not see the light at the end of the tunnel,” sabi nito.

Paalala niya sa gobyerno, ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa ay nakadepende sa kakayahan ng gobyerno na mabakunahan ang 70 porsiyento ng populasyon ng bansa.

Puna niya at base sa datos ng Inter-Agency Task Force, 1,244,582 lang ang bumalik para sa second dose sa 4,003,776 sa mga unang naturukan.

Nangangahulugan aniya na 30 porsiyento lang sa mga naturukan ang nakakumpleto ng kanilang bakuna laban sa COVID 19.

Aniya kapag hindi nakumbinsi ang 70 porsiyento na kumpletuhin ang kanilang bakuna, maaapektuhan nito ang tagumpay ng vaccination program.

Kayat aniya matagal na maabot ang kinakailangan na ‘herd immunity’ para sa proteksyon ng populasyon kasabay nang pag-apila sa mga nabakunahan na kumpletuhin ang kanilang bakuna.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.